Friday, January 04, 2008

Things I miss about PI

We spent our 2007 Christmas and New Year in PI for a week and we're now back in SG.

1. Salon Make-over -- sobrang cheap magpa makeover kaya everytime I visit Manila, I make sure na nakakapag hair rebonding, hair cut, foot spa, pedicure at body massage ako. At least twice a year kami nakakauwi kaya nakaktikim ako nito kahit papano. Sa price ng hair rebonding dito sa SG, katumbas na lahat ng pinagawa ko sa PI.
2. My choices of resto -- picky eater ako, kaya lugi ako dito sa SG. Di ako mahilig kumain ng seafoods kaya
kakaunti lang ang nakakainin ko dito. Kaya naman tuwing umuuwi ako ng PI, nanaba ako sa kakakain. Plus
the fact na mura ang food sa Pinas kesa sa SG kaya naman marami akong bulilit naiilibre sa Jollibee, Chowking, Max, KFX, Wendy's..Plus I stuff myself with Kakainins (haaayy sarap)
3. Tricycle -- naku sobrang miss ko ito. Di na ko kailangan maglakad ng malayo, at mula sa house hanggang
sa pupuntahan ko naihahatid ako for a cheap price pa. Kaya naman awang awang ako sa shoes ko dito sa SG.
4. Grocery -- maraming ingredients ng niluluto ko eh di ko makita dito, kaya naman tuwing uuwi ako di pwedeng di ako nag gogrocery sa Landmark. Kaya ang bigat ng luggage ko dahil sa mga local goods tulad ng delata at sangkatutak na food.
5. shopping Clothes -- di ako namimili ng office wear dito sa SG dahil sa mahal at smaller ang sizes. Pero magaganda at cheap ang casual wears ng sikat na brand na Giordano at Esprit kaya yun ang nabibili kong shirts pag SALE hehehe