Friday, May 18, 2007

Lulubog Lilitaw

3 months na rin akong di nakakapag blog. Marami na ring nangyari sa 3 months na nawala ako. Eto ang iba:

March - bumalik na from more than a vacation sa Pinas ang Mama ko. Nagpang-abot pa sila ng only sister ko dito. Pumunta kami ng Malaysia para i exit ang sis ko at ma extend pa sana. Di na sya pinayagan kasi na extend na rin namin sya sa ICA eh plus mahigpit sila sa mga girls dito kasi maraming professional prosti na Pinay. Nakasama namin sya for 1.5 months dito. Nakakalungkot ang time na ito kasi balik ulit kami na kami kami langsa bahay.

April - Na approve na ang 2 weeks vacation namin from work kaya bumili kami ng ticket pauwi ng Pinas, lahat kami uuwi para maihatid ang mga bata for their 2nd term vacation. Nag apply kami ni Allan ng visitor's visa for NZ para maka attend sya sa mga job interviews nya. Sobrang efficient ng sistema tlaga dito sa SG, 30 mins lang nakuha na namin ang visa. Sa Pinas aabutin ka ng 1 buwan. Dahil sa NZ holiday plan namin, na shorten ang magiging stay namin sa Manila.

May - excited kaming lahat makauwi, makaka attend pa ng Santacruzan si Yanna ko sa Pinas at makakauwi kami ng Vigan, Ilocos Sur para madalaw ang Lola. Gawa na rin ang itinerary namin, at magmamarathon na naman kami para ayusin ang mga data pang ayusin dahil sa limited lang ang time namin. Babalik ang mga bata dito sa SG a week before magpasukan at kasama nila ang Papa ko para may kasama sila sa byahe nila Mama at may tagabuhat ng sangkatututak na igogrocery ko. Nagpa vaccinate na rin kami dito for Flu para maiwasan ang pagkakasakit namin sa hectic na schedule namin.