4-day Marathon in Manila
Day 1 (Dec. 14) : It's my first time sa Tigerairways. We got the 1st flight 7:30am. Nag taxi na lang kami papuntang budget terminal. So far,ok naman ang budget terminal, may internet kiosk din at di ako nainip maghintay. Surprised lang ako kasi, first come first served talaga. Di man lang inuna ang mga oldies at may kids sa pila. Puno ang plane, maraming balikbayan kasi magpapasko na rin. We arrived in Clark around 11:30 na, and tool a Philtranco bus papuntang megamall. We paid P300 sa bus, and the bus left around 1pm na. We got there in megamall around 2:30 pm and nalipasan na ata ako ng gutom. Pasok muna ako ng Mega A and bought sandwiches and drink before kami mag taxi pauwi. Maraming na ngongontratang taxi driver, alam nila kasing mga balikbayan ang sakay ng bus eh. Sinsingil kami ng P250 hanggang amin sa Guadalupe. Since kuripot kami at alam namin lugi kami sa singil nila, napilitan kaming dalhin ang luggages namin sa taxi queue sa side ng Bldg. Nakarating din kami at P85 lang ang fare. Since marami kaming aasikasuhin, takbo na kami agad sa Makati, nakapag renew agad kami ng NBI at hubby got his COE from his previous company, di na nga sya nakipag kita sa mga co-workers nya dun at baka masabit pa ng kwentuhan eh nagmamadali na kami. Konting gala muna, then we ate at Chowking. Sarappp..na miss ko chowking chow-fan =) We're both tired na, then we headed home around 8pm.
Day 2 (Dec. 15) : Maaga kami gumising kasi last working day na aabutan namin ang mga offices na pupuntahan namin. 8am paalis na sana kami ng ayaw naman umandar ng kotse namin. Medyo napabayaan na kasi at walang gumagamit kaya nag kaka problema na. Bumili pa si hubby ng battery ng car, ako naman sinubukan kong mag commute muna at mauna na sa Makati Police Station para makakuha agad ng Police Certificate. Sa haba ng pila dun, nakaabot pa si hubby pagkatapos nya maayos ang kotse. Ay grabe ang red tape sa atin. We paid P150 each for the certificate and imagine P50 lang ang nakalagay sa reciept. Yung P100 sa bulsa na nila. Di na namin magawang umangal baka di pa namin makuha ang papeles eh pina rush na nga namin yun. Inabutan na kami ng lunc time dun. Kain muna kami sa Tokyo-Tokyo sa People Support Bldg sa may buendia. Nakabalik na kami at lahat, wala pa rin ang certificates. So punta muna kami ng Libis at inasikaso muna namin ang kailangan namin sa Bank. Maayos naming nakuha yun at dumerecho na kami sa Makati City Hall to get naman an NSO copy ng birth certificate ko. Hay grabe init that time, pati ulo namin maiinit na. He dropped me there, then he proceeded to Police Station to get the certificates then binalikan nya ko. Tuwa naman ako kasi 30 mins lang ako nag antay sa birth certificate. Napaka efficient talaga ng NSO Makati. Nakapag tyangge pa ko tuloy sa office grounds nila at nakabili ng office pants. Since 3:30 pm pa lang noon, may time pa kaming asikasuhin ang collge plan ni kuya. Tapos na kasi yun, and kailangan lang namin i-claim ang copy ng full payment and certificate nya. Nakuha namin lahat ng kailangan that day so we deserve to treat ourselves. Nakatikim din sa wakas ng footspa at pedicure ang feet ko. Si hubby naman nakapag pa haircut and whole body massage. Nagmamadali din kami umuwi, kasi nag promise kami ng Jollibee treat sa mga pamangkin ko. Pina deliver na lang namin since traffic din naman kung lalabas pa kami. By 7pm, punta kami ni hubby sa Market Market. We bought some pasalubong and nakabili ulit ako ng pants na gagamitin sa kasal kinabukasan. Nakauwi kami 10pm na.
Day 3 (Dec. 16) Pinilit kong magising for the simbang gabi. Sobrang pagod di ko nagawa. But we got up early pa rin kasi maaga ang kasal at wala pang isusuot si hubby. Kailangan pa namin dumaan sa Robinson's to buy clothes.
Late kaming dumating sa wedding ng friend namin. Halos patapos na nga. But it was great to see our college friends there. May common ata sa amin, lahat tumataba na. =) Buti na lang na serve din ang food sa reception at gutom na rin kami. Right after the wedding party ended, we bid goodbye to our friends. We missed them, college barkada sila ni hubby and almost all of them ninang and ninang ng kids namin. This year lang wala kaming Christmas party, oh well, hopefully next year makauwi kami ulit with kids. Then, nag megamall kami ni hubby after ng wedding. Dami namin nabili pampasalubong..karamihan food. Daming tao sa Mega, maraming pera ata ang pinoy. By 8pm, punta na kami sa Lola ni hubby to meet his family there, at nag balikbayan din kasi ang Titas nya from Japan. Late na rin kami nakauwi ng Makati, 10pm na ata yun.
Day 4 (Dec. 17) As usual di na naman ako nagising for the simbang gabi. Maaga kong ginising si hubby, kasi paalis na kami kinabukasan, di pa namin nadadalaw ang auntie ko at di pa nabibigay ang pasalubong. Punta muna kami sa house nya which is 15 mins away lang from the house ng mama ko. Sandali lang din kami dun, wala pang 1 hour. Dumaan muna ako ng market to buy some suman na gusto ng kuya. Nagmamadali kaming pumunta ng Market Market, to have our breakfast sa Heaven and Eggs..sarap grabe..na miss ko ang food dun. Namili na rin ako ng mga vitamins and medicines na dadalhin from Mercury Drug. Tanghali na, kailangan na rin namin bumalik at pupunta p ng Cavite si hubby para bisitahin yung umuupa sa house namin sa Molino. Ako naman, nag pa drive sa brother para makapag grocery sa Landmark. Balak ko pa sana mag MAKRO, kaso baka mag over luggae limit na kami kung dun ako bibili ng mga dadalhin ko. After mag grocery nag chowking na naman kami, sumunod sa min ang sister ko and we had lunch together. Di na rin ako nakapag shopping ng marami kasi dami ko ng nabiling grocery eh. By 4pm, nakabalik na kami at ganun din si Hubby. Idinaan nya muna ako ulit sa salon so I can have my hair treated at cut na rin. may dinner kasi kami sa house ng bestfriend ko na ikakasal naman kinabukasan. It was great to see friends during this time of the year. Lalo na ngayon na malayo na kami sa kanila. We were there til 10pm and have to go home na rin to fix our things. Mga 2 grocery bags din ang di ko nadala kasi over the limit na kami.
Day 5 (Dec. 18 pauwi na) We have to be at Megamall by 7am. 6:30am na ata kami nakakuha ng taxi cab. Buti na lang kasama namin sa byaheng ito ang brother ko at kinuha namin ang baggage allowance nya na 15 kilos. Nakaalis naman sa oras ang bus and we were at Clark by 8:30am. Close pa nga ang airport, we have to wait sa labas pa. Pagpasok sa loob tuloy tuloy naman na rin ang processo. Medyo matagal nga lang kaming nag hintay sa waititng area kasi 11:30 pa ang flight namin eh.
I thank God for the safe travel, for the opportunity to see our relatives and friends, for giving Papa the opportunity to visit us and spend his holidays here with Mama, for making me free from kidney stones (after a series of lab tests and frequent visits to my Urologist), and for the Singapore Permanent Residence. Thank you LORD!
Wednesday, December 20, 2006
Tuesday, December 05, 2006
Kakulitan ng mga bulilit ko
Kuya: Ate anong tawag mo dito? (pointing to his forehead)
Ate: ano?
Kuya: Eh di forehead! di mo pa alam?
Ate: pano naging 4-head yan, eh isa lang yan?
*******************************************
Kuya: Lola watch tayo ng Crazy for You (telenovela that has a very late showtime)
Lola: Di pwede, magagamit na si Mommy mo.
Kuya: Di ba anak mo sya? Dapat ikaw ang magalit sa kanya!!!
*******************************************
Ate: Mommy, ayokong mag-asawa..
Mommy: Bakit naman, anak?
Ate: kasi ayoko pong magka-anak..
Mommy: Bakit , ayaw mo mag-ka anak?
Ate: kasi ayoko manganak..
Mommy: Bakit, ayaw mong manganak?
Ate: kasi ayoko pong maging Lola...
Mommy: bakit ayaw mo maging Lola?
Ate: kasi ayoko pong tumanda at mamatay...
Logic nito ---wag mag-asawa... para di mamatay..hahahaha
*************************************************
Ate: Daddy, pwede ba kami pumunta sa house nila Ate Darelle (cousins)?
Daddy: no, kasi mag eat ka lang ng candies dun...
Ate: hindi, di ako kakain dun ng candies, pag binigyan nila ako di ko kukunin
Daddy: talaga anak, eh kung si Daddy ang magbibigay sa yo, ano sasabihin mo?
Ate: eh di...Thank You Daddy!!
*********************************************
Mommy: kuya, pls. get the baby oil..
Kuya: (3 yrs old that time) Mommy san ba ang Mommy Oil at Daddy Oil? Naiwan kasi si Baby Oil..
Kuya: Ate anong tawag mo dito? (pointing to his forehead)
Ate: ano?
Kuya: Eh di forehead! di mo pa alam?
Ate: pano naging 4-head yan, eh isa lang yan?
*******************************************
Kuya: Lola watch tayo ng Crazy for You (telenovela that has a very late showtime)
Lola: Di pwede, magagamit na si Mommy mo.
Kuya: Di ba anak mo sya? Dapat ikaw ang magalit sa kanya!!!
*******************************************
Ate: Mommy, ayokong mag-asawa..
Mommy: Bakit naman, anak?
Ate: kasi ayoko pong magka-anak..
Mommy: Bakit , ayaw mo mag-ka anak?
Ate: kasi ayoko manganak..
Mommy: Bakit, ayaw mong manganak?
Ate: kasi ayoko pong maging Lola...
Mommy: bakit ayaw mo maging Lola?
Ate: kasi ayoko pong tumanda at mamatay...
Logic nito ---wag mag-asawa... para di mamatay..hahahaha
*************************************************
Ate: Daddy, pwede ba kami pumunta sa house nila Ate Darelle (cousins)?
Daddy: no, kasi mag eat ka lang ng candies dun...
Ate: hindi, di ako kakain dun ng candies, pag binigyan nila ako di ko kukunin
Daddy: talaga anak, eh kung si Daddy ang magbibigay sa yo, ano sasabihin mo?
Ate: eh di...Thank You Daddy!!
*********************************************
Mommy: kuya, pls. get the baby oil..
Kuya: (3 yrs old that time) Mommy san ba ang Mommy Oil at Daddy Oil? Naiwan kasi si Baby Oil..
Subscribe to:
Comments (Atom)
